^

Bansa

Rioting, looting sumiklab sa France

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Mga Pinoy pinag-iingat

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ni Sen. Erwin Tulfo ang mga Pinoy sa France, dahil sa kaguluhan na sumiklab sa nasabing bansa nitong Linggo.

Sa isang press statement sinabi ni Tulfo na umiwas ang mga kababayan natin sa malawakang kilos protesta ng mga estudyante at manggagawa sa France partikular na sa Paris.

“Doble ingat po sa ating mga kababayan d’yan sa France lalo na pagpapasok sa kanilang trabaho dahil sa malawakang rioting at looting,” ani Tulfo.

Nagkaroon ng mga sagupaan sa pagitan ng pulisya at mga nagpoprotesta, malawakang pandarambong at mga sunog ilang buwan bago ang halalan para sa papalit kay Pangulong Emmanuel Macron.

Sinunog umano ng mga grupo ng kabataang nakamaskara ang mga nakaparadang sasakyan at pinasok at ninakawan ang mga tindahan kabilang ang mga supermarket, botika, luxury boutique, tindahan ng damit, optical shop, cosmetic store at consumer electronics store sa Paris, Marseille, Nice, Nantes, Bordeaux, Limoges, Lille, Toulouse at Strasbourg.

Samantala, pinag-iingat din ni Sen. Tulfo ang mga OFW sa Israel na hanggat maari umiwas na magtungo sa West Bank dahil sa pag-atake umang ng ilang Israeli settlers na mga nakamaskara sa ilang foreigners.

“Sa Saudi naman mapagmanman at makinig sa mga balita bago pumasok sa trabaho dahil bigla na lang binobomba ng Iran at kaalyado nitong mga Houthis ang naturang bansa tulad ng nangyari sa King Khalid airport sa Riyadh kung saan pitong OFWS ang nasugatan,” dagdag pa ni Tulfo.

Hinimok din ng senador ang lahat ng Pilipino na ipagdasal ang kaligtasan ng lahat ng mga OFW at ng kanilang mga naiwang pamilya sa bansa.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with