^

Police Metro

Tanod rumesponde sa away, utas sa saksak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang dinadala sa ospital ang isang barangay tanod nang siya ay saksakin sa dibdib ng isa sa tatlong lasing nang rumesponde sa panggugulo ng mga huli, naganap sa Costal Road, Brgy. Talaba 3 Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang nasawi ay kinilalang si alyas “Noel”, nasa hustong gulang, isang aktibong barangay tanod ng Brgy. Talaba.

Agad na naaresto ang tatlong suspek na kinilala sa mga alyas Chris, John at Drew, pawang residente ng lugar.

Sa ulat, alas-12:00 ng hating gabi nang maganap ang insidente nang dumalo ang mga suspek sa isang birthday party sa lugar.

Dahil sa mga lasing na ay nagkaroon ng kaguluhan na agad inireport sa barangay kung saan ang biktima ang unang rumesponde.

Pagresponde ng biktima ay nakita ang tatlong suspek na walang mga suot na pang itaas at may mga takip ang mukha ng t-shirt.

Papalapit pa lamang ang biktima upang kausapin ay agad na sinalubong ng isa sa mga suspek ng saksak sa dibdib.

Naaresto ang tatlong suspek at nakumpiskahan sila ng 1 plastic sachet na naglalaman ng shabu; marijuana.

Ang tatlong suspek ay kinasuhan ng homicide at illegal drugs.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with