Joonee Gamboa, magpapakilabot sa ‘Philippines’ Most Haunted’

Isang abandonadong mansyon na may nagpaparamdam daw na matandang babae at bata ang tampok sa unang episode ng Philippines’ Most Haunted, ang bagong horror documentary series ng ABS-CBN News na hosted ni Joonee Gamboa. Mapapanood ito simula Oktubre 15, alas-8 ng gabi, sa ABS-CBN News YouTube channel.
Dadalhin ng beteranong aktor ang mga manonood sa mansyon sa Northwestern Luzon. Ayon sa pamilyang dating nakatira rito, naramdaman nila ang presensya ng dalawa. Isang paranormal expert naman ang susubok na makipag-ugnayan sa pinaniniwalaan nilang mga espiritu sa bahay.
Gamit ang kanyang malalim na boses at husay sa pagkukuwento, ihahatid ni Joonee ang mga kuwento ng kababalaghan mula sa iba’t ibang lugar.
Ang Philippines’ Most Haunted ay pinakabagong digital show na ilulunsad ng ABS-CBN News. Dumarami na rin ang digital shows ng ABS-CBN News, kabilang ang patok na Philippines’ Most Shocking Stories na nasa ikaapat na season na, Philippines’ Oddest Jobs at Oh My Gan!
- Latest

























