P40 milyong pinsala sa sunog sa Armscor facility

MANILA, Philippines — Tinatayang P40 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog na tumupok sa dalawang bodega ng Armscor Global Defense Inc. (AGDI) sa Brgy. Fortune, Marikina City, Martes ng gabi, Oktubre 13.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Marikina, nagsimula ang sunog dakong alas-8:49 ng gabi sa Custom Bonded Warehouse at Finished Product Warehouse, na may lawak na tinatayang 1,200 metro kuwadrado. Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog dakong alas-9 ng gabi, idineklarang under control alas-10:33 ng gabi at tuluyang naapula alas-12:41 ng madaling araw ng Miyerkules. May mga narinig ding pagsabog habang inaapula ang apoy.
Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Ilang bahay at pamilya sa Champaca I ang naapektuhan ng sunog. Nagpaabot na ng tulong si Marikina Mayor Maan Teodoro sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
- Latest























