^

PSN Showbiz

Janice dagdag sa Sigabo...Coco, pumasok na taxi driver

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Janice dagdag sa Sigabo...Coco, pumasok na taxi driver
Janice De Belen

Sasabak sa panibagong misyon si Coco Martin bilang isang undercover taxi driver sa Coco Martin’s Sigabo, na nananatiling numero unong TV show sa Pilipinas sa iWant.

Kasabay ng mas maaksyong kwento ni Gabo (Coco), may mga bago siyang makaka-engkwentro sa pagpasok ng mga karakter ni Janice De Belen kasama ang special guests na sina Ina Raymundo at Ricardo Cepeda.

Mapapanood na sa mga susunod na episode ang pagsabak ni Gabo sa isang bigating misyon para sa Anino, isang sikretong organisasyong lumalaban sa mga krimen, kung saan magpapanggap siya bilang isang taxi driver para imbestigahan ang kanyang VIP na pasahero (Ina) na sangkot sa mga ilegal na negosyo.

Coco Martin

Bukod sa mga exciting na biyahe ni Gabo, hindi rin mawawala ang nakakakilig na mga eksena nina Coco at Julia Montes. Iigting kasi ang selos ng pekeng asawa ni Gabo na si Gloria (Julia) dahil sa nakakatuwang biruan ni Gabo sa mapang-akit na karakter ni Ina.

Abangan ang aksyon, drama, at kilig sa Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapa­milya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at IPTV.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with