Lino Cayetano bagong PCO chief
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos si People’s Television Network (PTV) General Manager Lino Cayetano bilang bagong pinuno ng Presidential Communications Office (PCO), upang punan ang posisyong nabakante matapos hindi aprubahan ng Commission on Appointments ang appointment ni acting Secretary Dave Gomez.
Kinumpirma ni Marcos ang appointment kay Cayetano sa kanyang “Kapihan with the Media” press conference sa Singapore nitong Linggo, Oktubre 11.
Si Cayetano na isang direktor ng pelikula at telebisyon, ay itinalagang PTV general manager noong Hunyo 2026, kapalit ni Maria Lourdes Choa-Fagar.
Nagsilbi itong bilang alkalde ng Taguig City mula 2019 hanggang 2022 at bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Taguig mula 2013 hanggang 2016.
Nagtrabaho rin siya sa ABS-CBN nang mahigit isang dekada bilang direktor at creative consultant. Si Cayetano ay nakababatang kapatid nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano.
Samanatala, kinumpirma rin Marcos na tinanggap niya ang pagbibitiw ni Henry Aguda bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa gitna ng imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay ng umano’y mga ghost connectivity project.
- Latest



















