49 kabataan, naisalba ng PNP sa cyber threat cases

MANILA, Philippines — Naisalba ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 49 kabataan na sangkot sa cyber threat-related cases nitong nagdaang buwan ng Setyembre.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr , ang hakbang ay makaraang magkaroon ng mga karahasan sa ilang mga paaralan.
Ayon kay Nartatez, mas pinalakas pa ang pakikipag ugnayan ng pulisya sa publiko, mga pribadong paaralan, social welfare offices, pamilya, at mga komunidad para maiwasan ang mga banta sa mga kabataan.
Patuloy rin aniya ang pagkilala at pag-alam sa mga pinaghihinalaang indibidwal sa online grooming.
- Latest




















