^

Probinsiya

Nasawi sa pagsabog sa Isabela, 4 na

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

Napulot na bomba, ipinukpok sa bato

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines —  Nasawi na rin ang 85-anyos na lola na kabilang sa limang sugatan sa pagsabog ng isang hinihinalang bomba na umano’y napulot ng mga bata at nilaro sa Barangay Sinamar, Roxas, Isabela kamakalawa ng umaga.

Dahil dito, tumaas na sa apat katao ang nasawi sa insidente na kinabibilangan ng tatlong bata na sina alyas Roy, 8; Troy, 8; Ben, 10, at ang panghuli ay si “Lola Rosa”; pawang residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may nakita at napulot umano ang mga bata na “metal” na bagay o hindi pa natukoy na klase ng bomba sa isang drainage canal sa Purok Raniag, Brgy. Sinamar dakong alas-9:00 ng umaga kamakalawa.

Lumalabas na isa sa mga bata ang kumuha ng napulot na bomba at ipinukpok sa bato na naging sanhi para ito ay biglang sumambulat sanhi upang masawi ang tatlong bata at sumunod na namatay sa ospital ang lola na noon ay napadaan lamang sa lugar para pumunta sana umano sa simbahan.

Apat pang menor-de-edad ang agad ang sugatan ang insidente na kasalukuyang ginagamot at inoobserbahan sa ospital.

BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with