Dennis, hyper sa pagsagot sa social media
Grabe ang panghuhusga kay Gelli de Belen sa isang simpleng sagot sa tanong ng host ng talk show na Chika Cart ng GTV.
Tinanong siya at natural sasagot ng tungkol sa mainit na pinag-uusapang isyu kina Patrick Garcia and Jennylyn Mercado.
Wala sa hitsura at himig ni Gelli na may kinakampihan siya.
Pero sumagot agad si Dennis Trillo na parang lately ay parang hyper sa pagsagot sa social media.
Ok na sana ‘yung ginagawa niyang naunang pagsagot at pasaring kay Patrick na nakatanggap ng mga papuri pero baka naman maging overacting na.
Pwede namang nag-reach out siya kay Gelli at hindi na sa social media sumagot.
Wala sa character ni Gelli ang sumawsaw sa isyu, sumagot lang siya sa tanong habang nagpo-promote siya ng pelikulang Mantsa.
Pambihira ang social media, minsan talagang unreasonable na.
- Latest


























