^

Pang Movies

Atasha, tinatawanan na lang ang mga nega!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Atasha, tinatawanan na lang ang mga nega!
Atasha

Ayaw talagang tigilan si Atasha Muhlach ng ibang bashers.

Ngayon naman ay siya pa rin ang sinisisi na kesyo ba’t iniba ang mga kanta ng Hotdog sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.

Nauna nang sinabi ni Direk Chris Millado na intentional na iniba dahil kung hindi parang nag-concert na lang sila.

At kahit si Direk Chris ay gulat na grabe ang bashing kay Atasha bago pa ito nag-umpisa last Sept. 18.

At ramdam daw niya na affected si Atasha : “Siyempre, oo naman. Sa katunayan, bilang direktor ng teatro, kakaiba ang pakiramdam ko. Bakit naman bina-bash itong batang ‘to, hindi pa nag-start ‘yung rehearsal. Bina-bash na siya kaagad. Sa practice namin sa theater, hindi naman ganun. Hinihintay ng mga tao na mag-opening night. E ayun, hindi pa nga nag-i-start ng reading rehearsal ang dami-rami na,” nagtatakang sabi ni Direk Chris.

“Galing sa teatro, hindi ko maintindihan ang mga ganyan... Pero sabi nga nila, ang daming opinyon ng mga tao. And ‘yun, of course, naapektuhan siya. Pero lagi kong sinasabi sa kanya, ‘makinig ka sa sarili mo. Ang lahat nang ito ay ingay. Kapag nasa rehearsal ka, iwan mo lahat ‘yan tapos mag-concentrate ka sa ginagawa mo. Kung hindi, palagi kang maabala. Listen to yourself,’”  banggit pa niya sa aming interview.

“And practically, ‘yun din ang lesson ni Annie Batungbakal, ‘di ba? Nakikinig sa kanyang tunay na sarili. Kung pinagkakatiwalaan mo ang tunay na sarili na iyon, ang iyong panloob na talento at kagandahan ay magniningning. Nang hindi naaabala ng napakaraming opinyon. Kaya, oo. Of course, sino ba namang hindi? Nakasentro sa kanya lahat. Sa kanya lang,” pahayag pa ni Direk Chris.

Samantala, sinabi ni Atasha na surreal o parang panaginip na karanasan nang makita niya ang mga reaksyon at tawanan ng mga manonood habang nasa entablado siya.

Sa totoo lang daw, ang plano niya ay magpokus lang at ibigay ang lahat ng kanyang makakaya. Kaya ang makita raw ang mga taong tumatawa, nagsasaya at sumasayaw kasama nila, parang nananaginip lang talaga siya.

Kaya naman nagpahayag siya ng pasasalamat sa kanyang pamilya pati na rin sa mga pamilyang nabuo niya sa showbiz, partikular na sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga kung saan naging co-host siya simula noong 2023.

Aniya, punung-puno ang puso niya at wala siyang ibang nararamdaman kundi ang nagpapasalamat na may mga taong napaka-supportive sa buhay niya.

Sila aniya ang dahilan kung bakit gusto niyang magpatuloy at abutin ang kanyang mga pangarap.

At nabanggit din ni Atasha na tinawanan niya ang mga natatanggap pang negative comment at pinili na lamang na mag-focus sa mga positibong bagay.

Basta, pulos pasasalamat na lang daw ang gusto niyang gawin.

Bonggang attitude, Atasha.

ATASHA MUHLACH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with