^

Pang Movies

Joshua, inaangkas pa rin si Julia!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Joshua, inaangkas pa rin si Julia!
JoshLia

Para kay Joshua Garcia, naniniwala raw siya talaga na pwedeng maging magkaibigan ang mag-ex dyowa dahil nangyari ito sa kanila ni Julia Barretto.   

“We’re good friends, and mas ano pa nga sa friends kasi parang sobrang kilala na namin ‘yung isa’t isa. We have this kind of relationship na we really understand each other,” sey ni Joshua sa panayam niya sa vlog ni DJ Chacha.

When asked kung ang ibig bang sabihin na friends sila ay pwede silang lumabas-labas at mag-hang-out, sagot ng aktor, “siyempre, hindi na namin pwedeng gawin ‘yun kasi may mga magseselos at mga magagalit na.”

Dagdag niya, “but we can promise na friends talaga kami, I think, may understanding kami na ‘okay, we’re friends but I think, may mga bagay na hindi na natin pwedeng gawin of course, kasi siyempre, may mga sari-sarili na rin kaming mga buhay and partners in real life, ‘di ba?”

Paliwanag pa niya, “nagkikita pa rin naman kami for example, pero hindi ‘yung kami lang dalawa.”

Inamin naman ng aktor na hindi naman ganu’n kadali na maging friends ulit after the break-up.

“Before, nun’g after ng break-up, akala ko, okay na kami, kasi pumupunta pa ako sa bahay nila, eh, after our break-up, eh. Pinupuntahan ko siya, kino-comfort ko siya, that was the time na naba-bash siya, ‘di ba?

“So, pupunta ako sa kanila, magmo-motor kami, iaangkas ko siya, tapos umiikot lang kami sa village. Wala lang, gusto ko lang siyang i-comfort,” pagbabahagi ni Joshua.

Naniniwala rin ang aktor na mas magwo-work na magiging friends ng mag-ex kung wala na talaga silang romantic feelings sa isa’t isa.

“I think, mas magwo-work talaga ‘yung friendship n’yo kung wala talaga kayong nararamdaman na romantically sa isa’t isa.

“Siyempre, lalo na ngayon na may iba-iba na kaming mga partners, medyo mali naman talaga ‘yon, mahirap ‘yon,” natatawang sabi ng aktor.

“Huwag nating puntahan ‘yun’g ganun’g lugar,” dagdag pa niya.

As we all know, Joshua is in a relationship with Filipino-French golfer and content creator Emilienne Vigier habang si Julia ay wala pa namang official boyfriend na inaamin subalit nali-link siya ngayon sa businessman na si Lucas Lorenzo na kapatid ng asawa ni Erich Gonzales.

Kris at Katrina, opisyal na ulit

Opisyal nang nagkabalikan sina Kris Lawrence at Katrina Halili!     

Ang singer mismo ang nag-anunsyo nito sa kanyang Facebook post na labis na ikinakilig ng kanilang fans.

Nagbahagi si Kris ng sweet selfie nila ni Katrina, na may magandang nature view sa background. “New chapter,” saad ni Kris sa kanyang caption.

“I told you I gotchu, and I meant that. No need to rush anything… One Step at a Time, enjoying where this takes us,” patuloy ng singer.

Pero ang talagang umagaw ng attention ng netizens ay ang kanyang kasunod na pahayag: “All I know is I’m happy… KAMI NA bahala where this new chapter takes us,” aniya.

Dahil dito, agad nagbunyi ang kanilang supporters at napuno ng sweet messages ang comment section ng post. Marami ang nagsabing happy sila para sa dalawa, habang ang iba naman ay kinilig sa kanilang reunion bilang couple.

At for sure, ang pinaka-natuwa sa kanilang reconciliation ay ang kaisa-isa nilang anak na si Katie.

JOSHUA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with