^

Metro

Higit P3 milyong halaga ng ecstasy nasabat sa post office

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Higit P3 milyong halaga ng ecstasy nasabat sa post office
asabat ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang parcel na naglalaman ng humigit-kumulang 743 gramo ng pinaghihinalaang ecs­tasy na may halagang P3,157,750 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) kahapon. Ang pagkakakum­piska ay nagresulta rin sa pagkakadakip sa claimant nito sa EMS Window.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang parcel na naglalaman ng humigit-kumulang 743 gramo ng pinaghihinalaang ecs­tasy na may halagang P3,157,750 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) kahapon.

Ang pagkakakum­piska ay nagresulta rin sa pagkakadakip sa claimant nito sa EMS Window.

Dumating ang parcel mula sa Canada noong Setyembre 15, ay idineklarang naglalaman ng mga bag at backpack, damit pambata, tsokolate at kendi, laruan ng mga bata, suplemento, sapatos, at tsinelas.

Nang suriin, natuklasan ng mga tauhan ng Customs ang pinaghihinalaang ilegal na droga na nakatago sa loob ng kargamento.

Inilipat sa pag-iingat ng PDEA ang mga epektos at claimant para sa isang masusing imbestigasyon at disposisyon.

BOC

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with