^

Metro

Tourism expo sa Maynila, bukas na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domagoso ang pagbubukas ng kauna-unahang tourism expo ng lungsod na “My Manila Tourism Expo 2026” noong Biyernes, Setyembre 25, sa Foro de Intramuros.

Kasabay ng expo ang paglulunsad ng bagong ­tourism campaign ng lungsod na “Manila, My Manila,” na naglalayong itampok ang kasaysa­yan, kultura, pagkain, sining, negosyo at iba pang atraksyon ng Maynila.

Gaganapin ang tatlong araw na expo hanggang Setyembre 27, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, at bukas nang libre sa publiko. Mahigit 12,000 katao na ang nagparehistro para sa naturang aktibidad.

Ayon kay Domagoso, maraming kuwento at kasaysayan ang matutuklasan sa iba’t ibang bahagi ng Maynila, mula sa mga makasaysayang gusali at pook hanggang sa mga lokal na personalidad na naging bahagi ng lungsod.

Sinabi ni Manila City Tourism Officer Cristal Bagatsing, direktor ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM), na layunin ng kampanya na ipakita sa publiko ang mga lugar na dapat bisitahin sa lungsod.

May 11 experience themes ang expo, kabilang ang heritage, food, creativity, nightlife, family, business, health, future at adventure. Tampok din dito ang b­arangay tourism seminars, mini concerts, film screenings, Manila City Band concert at MIDAS Awards.

Ayon kay Domagoso, inaasahang makalilikha ng mas maraming trabaho at oportunidad sa negosyo ang paglago ng turismo sa lungsod. Hinikayat din ng pamahalaang lungsod ang publiko na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa Maynila sa social media gamit ang hashtags na #ManilaMyManila at #MyManilaTourismExpo2026.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with