Testimonya ni Baste, isasalang sa VP Sara trial

MANILA, Philippines — Sa susunod na linggo ay asahan na ang testimonya ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na magsisilbing sentro ng paglilitis sa Senate impeachment court kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni House lead prosecutor Gerville Luistro, Batangas 2nd District na itutuloy muna ang cross-examination kay Philippine Government Electronic Procurement System
(PhilGEPS) witness bago susunod na tawagin si Mayor Baste.
Samantalang ipiprisinta rin ang mga rekords mula sa PhilHealth Region XI at ng Philippine National Police Firearms and Explosives Office .
Ang PhilGEPS witness ay iprinisinta kaugnay ng koneksiyon nito sa procurement records hinggil sa mga kumpanya na iniuugnay kay VP Duterte at ng mister nitong si Atty. Manases Carpio.
Si Mayor Baste ayipinatawag ng prosecution kaugnay ng mga pinasok na transaksyon sa Davao City government ng Gencorp Industries Inc.
Inihayag ni Luistro na matapos ang testimonya ni Mayor Baste ay susunod naman ang kinatawan ng PhilHealth Region XI, na ang testimonya ay konektado sa Gencorp. Industries Inc.
Ayon kay Luistro ang testimonya ng kinatawan ng PhilHealth Region XI ay konektado naman sa kontrata ng pamahalaang lungsod sa kumpanya ng Gencorp., ang kumpanya na itinala ni VP Duterte sa idineklara nitong negosyo at mga korporasyon sa procurement records na iprinisinta sa pagdinig.
- Latest



















