Matibay ang ebidensiya vs VP Sara - Prosekusyon
MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang House prosecution panel na sapat, matibay, at malinaw ang kanilang mga ebidensya para patunayan ang mga paratang laban kay Vice President Sara Duterte maging anuman ang kahinatnan ng botohan ng mga senator-judges para mahatulan ito sa Senate impeachment court.
Ito ang inihayag ni House prosecutor Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa Senate impeachment court kaugnay ng oral na argumento sa voting threshold o bilang ng kinakailangang boto mula sa mga senator judges para ma-convict si VP Sara.
Iginiit nito na responsibilidad ng prosecution na patibayin ang Articles of Impeachment .
Inihayag ni Diokno na obligasyon ng prosekusyon ang magprisinta ng ebidensya at patunayan ang alegasyon laban kay VP Duterte habang ang impeachment court ay may tungkulin naman na timbangin ang mga ebidensya at argumento bago desisyunan ang kaso alinsunod sa Konstitusyon.
- Latest
















