^

PSN Showbiz

Baby Dolls, humahataw sa streaming

Pilipino Star Ngayon
Baby Dolls, humahataw sa streaming
Baby Dolls.
STAR/ File

Patuloy na gumagawa ng ingay sa music scene ang breakout girl group na Baby Dolls sa kanilang viral songs na Oohh Lala Baby at Ikembot Mo, habang pumupukaw na rin ng atensyon ang kanilang latest single na Meme.

Unang nakilala ang It’s Showtime girl group matapos ilabas ang kanilang debut EP na Zoom Baby Dolls noong Marso, na nagpakilala sa kanilang masaya at upbeat na tunog.

Kabilang sa pumatok sa music fans mula sa EP ang mga kantang Oohh Lala Baby at Ikembot Mo.

Kasunod nito, inilabas ng Baby Dolls ang latest single na Meme noong Setyembre 3. Sa maikling panahon mula nang ilabas ito, umabot na sa 91,000 streams ang kanta sa Spotify, habang may 162,000 views na ang lyric video nito sa YouTube. Patuloy rin itong nakakakuha ng atensyon sa TikTok, kung saan mayroon nang mahigit 15,700 posts na gumagamit ng kanta.

Para sa grupo, espesyal ang Meme dahil pagkakataon nila itong mas maipakita ang kanilang personality at musicality sa pamamagitan ng isang original song.

“Sobrang kinilig po kami ngayong meron kaming original song kasi mas mailalabas pa namin ‘yung flavors na itinatago na namin,” saad ng grupo.

Mapapanood nang live ang Baby Dolls sa kanilang unang major concert na Baby Dolls: Ooh Lala Live sa Skydome sa Nobyembre 8 sa SM City North Edsa Skydome. Mabibili ang tickets sa halagang P4,499 (SVIP), P3,499 (VIP 1), P2,799 (VIP 2), P2,499 (Patron), at P1,699 (Gen Ad) sa smtickets.com at SM Tickets outlets.

Samantala, umabot na sa 10.5 million streams sa Spotify ang Oohh Lala Baby, habang ginamit ang kanta sa mahigit 9.3 million TikTok posts. May mahigit 22 million views na rin ang music video nito sa YouTube matapos manguna sa YouTube Music chart.

Hindi rin nagpahuli ang Ikembot Mo, na umani ng 3.9 million streams sa Spotify at mahigit 6.8 million views sa YouTube para sa lyric video nito. Ginamit din ang kanta sa mahigit 2.5 million TikTok posts, na lalo pang nagpalawak sa abot nito sa social media.

Binubuo ang seven-member Baby Dolls nina Arianne Dela Cruz, Chole Florendo, Eriel Reyes, Ina Ortega, Jelai Ahamil, Johaira Moris, at Juby Sabino.

BABY DOLLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with