Ginang patay matapos ang 4 cosmetic surgery!
MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation-Homicide Division ang pagkamatay ng isang ginang na sumailalim sa liposuction, tummy tuck, Brazilian butt lift at bodytite for arms ng isang celebrity plastic surgeon sa San Juan City noong Marso, 2, 2026.
Ang American-based Filipino-American reality television na si Ronn Tristan Perez, anak ng nasawi, ang personal na nagtungo sa NBI noong Huwebes.
Batay sa mga ulat, ang biktimang si Gng. Casteel ay nagbayad ng P570,000 para sa nasabing procedures na umabot ng pitong oras, na-discharge matapos ang 3 araw na recovery period.
Subalit pagkalipas ng 4 na araw ay isinugod siya sa ospital at na-diagnosed ng “high-risk pulmonary embolisim” o isang medical emergency dahil sa blood clot na humarang sa daloy ng dugo sa baga at mapanganib na hindi normal na presyon ng dugo.
Nag-aalala aniya, siya sa nakitang hitsura ng ina nang makausap sa Face Time habang nasa klinika.
“I FaceTime her, and she’s pale, she’s missing a tooth. I said, ‘What’s happening, Mom?’ Me and my brother were both worried,” ani Perez.
Ilang araw ang lumipas nang makatanggap ng tawag si Perez mula sa tiyo at ama na binawian ng buhay ang kanyang ina.
- Latest

















