^

Police Metro

Marcos, mag-resign ka na! - VP Sara

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pang-masa
Marcos, mag-resign ka na! - VP Sara
Dinaluhan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang kanyang pamilya sa paggunita sa ika-109 na kaarawan ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na ginanap sa Batac City, Ilocos Norte.
Noel B. Pabalate

Tinawag na adik at walang utang na loob…

MANILA, Philippines — Dapat nang magbitiw sa puwesto ang pangulo na isang adik, sinunga­ling, abusado, at walang utang na loob sa taumbayan.

Ito ang naging panawagan kahapon ni Vice President Sara Duterte kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa isang rally sa Quezon City Hall kasunod nang pagpaliban ng arraignment sa kinakaharap na kasong grave threats.

“Patuloy tayong manawagan nang paglayas ng problema ng ating bayan na ang pangalan ay Bongbong Marcos. Resign! Umalis ka diyan!” ayon kay VP Sara.

“Sinungaling ka, abusado ka, wala siyang utang na loob sa taumbayan. Wala siyang utang na loob sa lahat ng pumunta ng presinto para iluklok siya sa pwesto. Wala siyang hiya. Ganoon talaga kapag adik. Hindi na dumadaan sa realidad ang pag-iisip. Patuloy tayong makipaglaban sa mga abusado, sa mga adik, at sa mga korap,” dagdag pa ni Duterte.

Bago ito ay nagtungo si Duterte sa Quezon City Hall of Justice upang dumalo sa arraignment o pagbasa ng sakdal sa kasong grave threat na kanyang kinakaharap ngunit na-postpone ito dahil na rin sa mosyon na inihain ng kanyang kampo.

Sinampahan ng kaso si VP Sara matapos niyang ianunsiyo sa isang online press conference na may kina­usap na siyang tao na papatay kina Pang. Marcos, maybahay nitong si First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez, sakaling may mangyari sa kanya.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with