Paras, 4 abogado pinadi-disbar sa ‘honeytrap’

MANILA, Philippines — Isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Korte Suprema ang reklamong disbarment laban kay dating Negros Oriental Representative “Jing” Paras at apat na abogado na umano’y sangkot sa planong “honeytrap” at character assassination laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Bukod kay Paras kinasahan din ang mga abogado ng Rondain and Mendiola Law Firm na sina Ruy Rondain, Orlando Mendiola, Patrick Criaga, at Josemilio Manuel Apostol. Ayon sa NBI, inatasan ang grupo na gumawa ng “script” o gawa-gawang salaysay laban kay Recto upang sirain ang kanyang reputasyon.
Inihain ng NBI-National Capital Region ang reklamo dakong alas-11:30 ng umaga sa Korte Suprema sa Ermita, Maynila. Kasunod ito ng pagpapadala ng NBI-NCR sa Department of Justice (DOJ) ng reklamong qualified human trafficking laban kina Paras, apat na abogado, Batangas 1st District Representative Leandro Leviste, at talent manager na si alyas “Ken.”
Nauna nang ipinaalala ng Korte Suprema na confidential ang disciplinary proceedings laban sa mga abogado at may katapat na parusa ang hindi awtorisadong pagsasapubliko ng mga detalye nito. Samantala, sinabi ng DOJ na pinag-aaralan na nila ang reklamong inihain ng NBI kaugnay sa umano’y planong paninira kay Recto.
Nag-ugat ang usapin matapos ang operasyon noong Hulyo 28, 2026 kung saan inaresto si alyas “Ken” sa kasong human trafficking. Ayon sa mga awtoridad, ilang babaeng konektado kay Ken ang umano’y inalok upang magsagawa ng pekeng reklamo laban kay Recto at palabasing bukod sa pakikipagtalik ay pinag-droga umano sila ng opisyal.(
- Latest



















