^

Metro

Sangkot sa MC taxi ‘ghost riders’ panagutin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Transport groups, legal experts sa DOTr

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga grupo mula sa sektor ng transportasyon at batas sa Department of Transportation (DOTr) na panagutin ang mga sangkot sa kontrobersiya ng umano’y “ghost riders” sa motorcycle taxi industry.

Ayon kay Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) President Atty. Ariel Inton, dapat pantay ang pagpapatupad ng batas at walang dapat gawing eksepsiyon sa mga umiiral na regulasyon. Aniya, kung may kailangang baguhin sa polisiya, dapat itong dumaan sa tamang proseso.

Umani ng atensyon ang isyu matapos kuwes­tiyunin ang rider lists na ginamit sa cash assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa umano’y duplicate at magkakasalungat na entries. Nagdulot ito ng mga tanong hinggil sa rider records at pagsunod sa itinakdang bilang ng motorcycle taxi units.

Hiniling ni Inton sa DOTr na ipaliwanag ang naging aksyon sa natu­rang isyu, kabilang ang resulta ng imbestigasyon, mga ginawang corrective measures, at kung may mga indibidwal o kum­panyang napatawan ng pananagutan.

Samantala, sinabi ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Associations of the Philippines (NACTODAP), National Public Transport Coalition (NPTC), at National Ri­ders Coalition na dapat maprotektahan ang kabuhayan ng mga rider habang sinisiguro ring mananagot ang mga kumpanyang responsable sa mga desisyon at operasyon ng kanilang mga serbisyo.

TRANSPORTASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with