MRT-3, LRT-2 may libreng sakay sa Setyembre 16
MANILA, Philippines — May libreng sakay sa MRT-3 at LRT-2 sa Setyembre 16, 2026 bilang pakikiisa sa paggunita ng Philippine Civil Service Anniversary at Global Identity Day.
Ayon sa MRT-3, libre ang biyahe para sa lahat ng civil servants sa buong araw ng Setyembre 16 bilang bahagi ng 126th Philippine Civil Service Anniversary. Kailangan lamang magpakita ng valid government ID.
Samantala, inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay sa LRT-2 para sa lahat ng pasahero bilang pakikiisa sa Global Identity Day.
Maaari itong i-avail mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi. Kailangang ipakita ang physical card, printed paper o digital copy ng National ID sa security personnel ng istasyon.
Ayon sa LRTA, layunin ng programa na bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapapatunayang pagkakakilanlan at hikayatin ang mga hindi pa rehistrado na magparehistro sa National ID System.
- Latest























