NBI, may ‘good leads’ na kay Bato
MANILA, Philippines — Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Melvin Matibag na mayroon na silang “good leads” sa kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa habang nagpapatuloy ang manhunt operation para sa kanyang pagkakaaresto.
Sa pahayag ni Matibag sa Saturday News Forum sa Quezon City, na patuloy ang kanilang paghahanap sa senador at hindi sila tumitigil sa pagsubaybay sa kanyang kinaroroonan.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Matibag hinggil sa mga impormasyong kanilang nakalap ngunit tiniyak niyang nasa tamang direksiyon ang kanilang operasyon at hinihintay na lamang ang tamang pagkakataon upang tuluyang maaresto si Dela Rosa.
Si Dela Rosa ay pinangalanan bilang co-perpetrator sa umano’y crimes against humanity sa war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matagal na itong nagtatago nang maglabas ng arrest warrant ang ICC na lumutang lamang noong Mayo upang makalahok sa pagboto kay dating Senate President Alan Peter Cayetano.
- Latest

















