^

Punto Mo

EDITORYAL - Bigyan din ng pondo ang EDSA Busway

Pang-masa

Nasa P7.2 trillion ang proposed national budget para sa 2027. Sa budget na ito, malaki ang nakalaan para sa rail transport na umaabot sa P197.3 bilyon—triple sa pondo ngayong 2026. Pinakamalaking bahagi ng pondo ang mapupunta sa North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway.

Magandang investment ito. Matagal nang ­kailangan ng bansa ng mas mabilis, maaasahan at malawak na train system. Ito ang solusyon sa ­problema sa mass transportation. Pero habang hinihintay matapos ang mga bagong tren, paano ang mga commuter na kailangang bumiyahe ngayon?

Sa panukalang 2027 National Expenditure Program, walang nakalaang pondo para sa EDSA Busway. Wala ring allocation para sa service contracting at fuel subsidies, habang marami pang transport projects ang hindi nakasama sa budget.

Hindi maliit ang papel ng Busway. Tinatayang 60 milyong commuters ang nakinabang dito noong 2024 at 2025.

Araw-araw, nagsisilbi itong mas mabilis at maaasahang paraan upang makapasok sa trabaho, paaralan. Kapag nagkaaberya ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), ang mga bus ang sumasalo sa mga nagmamadaling commuters.

May paliwanag naman ang gobyerno. Ayon sa Department of Transportation, limitado ang fiscal space kaya may mga programang hindi nabigyan ng pondo.

Mahalaga ang subway at bagong railway.

Kapag natapos, makatutulong ang mga ito sa pagbawas ng biyahe at lalung-lalo na sa matinding trapiko lalo sa Metro Manila. Sa pag-aaral bilyong piso ang nasasayang dahil sa matinding trapik. Sa EDSA, ilang oras ang binubuno ng commuters para makarating sa kanilang trabaho o eskuwela.

Pero habang ginagawa ang mga ito, kailangan pa ring sumakay ng milyun-milyong Pilipino sa bus, jeep at kasalukuyang mga tren.

Ayon sa Move as One Coalition, 94 porsiyento ng mga Pilipino ang walang sariling kotse. Kaya ang maayos na public transportation ay hindi luho. Pang-araw-araw itong pangangailangan nang nakararami.

Hindi pa naman final ang 2027 budget. Maaari pang magbalik o magdagdag ng pondo ang Kongreso.

Kaya dapat nitong tiyaking may sapat na budget hindi lamang para sa mga proyektong mapapakinabangan sa mga susunod na taon, kundi pati sa mga serbisyong sinasakyan na ngayon. Hindi sana ito makaligtaan at magkaroon nang maayos na pagsusuri dahil lubhang malaki ang papel ng EDSA Busway sa commuters.

EDSA BUSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with