^

PSN Showbiz

Mga hanash ni Katherine, inokray-okray

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Mga hanash ni Katherine, inokray-okray
Ka­therine Luna
STAR / File

Nag-Facebook (FB) live ang comebacking award-winning indie actress na si Ka­therine Luna, isa sa cast ng top-rating action-drama series na Sigabo na pinagbibidahan ng dati niyang karelasyon na si Coco ­Martin at longtime partner nitong si ­Julia Montes.

Ito’y may kinalaman sa mga basher na dinurog umano ang kanyang pagkatao sa social media matapos niyang i-post na meron siyang walong anak na binubuhay sa anim na magkakaibang ama. Dahil dito ay katakut-takot na bashing ang kanyang natanggap na sobra niyang iniyakan.

Wala pang social media noon nang magsimula sa lara­ngan ng pag-arte si Katherine.

Ngayong muli siyang nagbabalik-showbiz sa tulong nina Coco at Julia ay tila ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ng ibang tao na magbago at ibahin ang takbo ng kanyang buhay kung sila’y makapanglait sa aktres.

Masamang-masama ang loob ni Katherine sa kanyang mga basher na kanyang inilabas sa FB Live.

Jose Mari Chan, lumitaw na naman!

Pasko na naman…

Ang bilis talaga ng panahon, Salve A.!

Simula na naman ng Christmas countdown pagsapit ng Sept. 1 at usong-uso na naman ang pagpapatugtog ng Christmas carols sa mga mall at iba pang business establishments including supermarkets.

Sumungaw na naman ang mga meme ng music icon, ang singer-songwriter at businessman na si Jose Mari Chan na siyang naging simbolo na papalapit na kapanganakan ng ating Lumikha na si Jesus Christ.

Sa pagsapit ng BER months, simula na naman ng excitement ang nararamdaman ngayon ng mga tao laluna ang mga bata.

Tuwing Pasko ay ginaganap Metro Manila Film Festival kung saan walong pelikula ang magtatagisan sa takilya.

Ngayon pa lamang ay looking forward na ang mga bata at pami-pamilya na panoorin ang unang tambalan sa pelikula ng dalawang box office greats na sina Vic Sotto at Vice Ganda at iba pang pitong pelikula.

Dylan at Jayda, kailangan ng bagong partner?!

Marami ang nanghinayang na hindi gaanong kinagat ng mga manonood ang Project Loki na pinagbidahan nina Dylan Menor at Jayda Avanzado on Viva One.  Maybe dahil na rin siguro sa tema ng proyekto na may pagka-thriller at suspense. Hinahanap siguro ng mga manonood ang isang drama-romance theme.

Gayunpaman, ang nasabing serye ang naging daan ng pagiging extra close umano nina Dylan at Jayda sa isa’t isa.

Si Dylan ay nasa bakuran ngayon ng Star Worx habang si Jayda ay co-managed ng Viva Artists Agency.

Since first project pa lamang naman ito ng dalawa, may iba pang pagkakataon na kanilang ipakita na may magic ang kanilang tambalan, that is kung muling magtatambal ang dalawa.

KA­THERINE LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with