Rally sa gitna ng baha arangkada sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nagsagawa ng malaking indignation rally ang grupong “Kilos Bulacan” kahapon upang ipanawagan ang agarang solusyon sa matinding pagbaha sa lalawigan, gayundin ang pananagutan sa umano’y anomalya sa mga flood-control project at pagtutol sa mga reclamation project.
Tinatayang 600 residente mula sa 30 people’s organizations ang lumahok sa pagkilos na sinimulan sa Malolos Amphitheater at iba pang lugar sa Malolos bago tumungo ang mga nagpoprotesta sa Provincial Capitol.
Kabilang sa mga lumahok ang mga grupo ng mga mangingisda, magsasaka at iba pang sektor ng komunidad.
“Wakasan ang baha, korapsyon at reclamation” ang sentro ng panawagan ng Kilos Bulacan sa kanilang pagkilos kahapon.
Samantala, humigit-kumulang 500 residente, magsasaka at mangingisda ang lumusong din sa baha at nagsagawa ng kilos portesta laban sa korapsyon sa flood-control projects at sa reclamation na sinasabi nilang nakadagdag sa problema ng pagbaha.
Nasa state of calamity na ang Bulacan na patuloy kabilang sa mga lugar na nakararanas ng malawakang pagbaha na ang ilang bahagi ay umabot na sa hanggang bubong ang tubig-baha.
- Latest



















