AMWEA iginiit na epektibo na ang P60 dagdag-sahod sa NCR
MANILA, Philippines — Iginiit ng Association of Minimum Wage Earners and Advocates (AMWEA-PTGWO) na epektibo na ang P60 dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Wage Order No. 27, matapos mag-expire ang temporary restraining order (TRO) na pumigil sa pagpapatupad nito.
Sa liham na ipinadala kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino noong Agosto 27, hiniling ng grupo ang agarang pagpapatupad ng wage increase at pagbabayad nito ng mga employer sa kanilang mga manggagawa.
Ayon sa AMWEA-PTGWO, nabigo ang mga kumpanyang Readycon Trading and Construction Corporation at RII-Builders, Inc. na makapaglagak ng P10 bilyong injunction bond na itinakda ng Pasig Regional Trial Court Branch 152 para maging epektibo ang ipinagkaloob na preliminary injunction laban sa Wage Order No. 27.
Una nang naglabas ang korte ng writ of preliminary injunction noong Agosto 13 na pumipigil sa Wage Board at National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa pagpapatupad ng dagdag-sahod. Gayunman, sinabi ng grupo na dahil sa pag-expired ng TRO at kawalan ng bisa ng injunction, wala nang hadlang sa pagpapatupad ng wage order.
- Latest






















