Algorithm ng social media, panganib sa kabataan – Solon
MANILA, Philippines — Nagbabala si Las Piñas Lone District Rep. v Mark Anthony Santos na maaaring mailantad ang mga bata at kabataan sa ilegal at mapanganib na content dahil sa mas sopistikadong algorithm ng mga social media platform.
Ayon kay Santos, awtomatikong nagrerekomenda ang mga algorithm ng content batay sa online activity, interes, at pakikipag-ugnayan ng mga user, kaya posibleng makita ng mga menor-de-edad ang mga materyal na hindi naman nila aktibong hinahanap.
Kabilang sa mga posibleng lumabas na content ang may kaugnayan sa ilegal na droga, sugal, pornograpiya, karahasan, at pananakit sa sarili.
Sinabi ni Santos na hindi natutukoy ng algorithm kung ang isang user ay simpleng mausisa lamang o madaling maimpluwensyahan, kaya maaaring paulit-ulit na maipakita sa mga bata ang kaparehong mapanganib na materyal.
Binigyang-diin ng mambabatas na dapat palawakin ng pamahalaan ang kampanya kontra ilegal na droga sa digital environment.
- Latest

















