Pasay City Health Office itinaas sa code white alert
MANILA, Philippines — Inilagay sa code white alert ang Pasay City Health Office na epektibo noong Sabado, Agosto 29, upang tiyakin na makatugon sa anumang medical at public health emergency dahil sa patuloy na pag-ulan na epekto ng habagat.
Nananatiling naka-standby ang mga health personnel upang handa sa pagresponde, ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Mananatiling epektibo ang alerto hanggang sa susunod na abiso.
Kabilang din sa inatasang nakaalerto ang water, sanitation and hygiene, at nutrition teams ng lungsod.
Nakikipag-ugnayan din ang health office sa iba pang ahensiya ng gobyerno. Upang matiyak at mabilis ang pagtugon sa weather-related health emergencies.
- Latest

















