Gil, ready na pagkatapos ng matinding pagsubok

May mga bagong career goal si Gil Cuerva after turning 31 kamakailan.
Pagkatapos dumaan sa isang matinding pagsubok, ready na raw si Gil sa “next chapter” ng kanyang buhay at kasabay nito ang bagong goals na ibinigay niya sa sarili.
“I’m trying to be wiser with my money kasi gusto kong maging financially stable. I want to prepare myself for that point in my life where I’m gonna start slowing things down. Hindi na ‘ko bata. I know I’m ‘only 31’ but I’m also ‘31 na’ so I’m just trying to ready myself for that next chapter in my life,” sey ng model-actor.
Hindi rin daw nagmamadali si Gil na maghanap ng makakarelasyon sa ngayon. “Wala muna. Wala muna para when the right one comes, I’m ready,” diin pa niya.
Thankful siya na mapasama sa Kapuso action-serye na Taskforce: Firewall. Huli siyang napanood sa drama-thriller na Slay ng Viu Philippines last year.
Ang Taskforce: Firewall ang second action-serye ni Gil after Beautiful Justice in 2019.
Dolly Parton, nasa time capsule ang iniwan
Bago namayapa ang Queen of Country Music na si Dolly Parton, may iniwan itong “never-before-heard song” na nilagay sa isang time capsule to be opened on her 99th birthday in 2045.
Ang naturang capsule ay nakatago sa kanyang Dollywood Theme Park sa Tennessee.
Ang title ng song ay My Place In History at binanggit ito ni Dolly sa kanyang 2020 memoir na Songteller: My Life in Lyrics. “I had to write this song that nobody was going to hear ‘til then, and I tell you, you have no idea how that has bothered me. I want to go dig that up so bad.
“Hopefully it’ll be special. I have to honestly say, it was an odd feeling to be asked to write a song that was not going to be heard ‘til 2045. But it’s a good song,” sey ni Dolly sa 2022 interview niya sa The Kelly Clarkson Show.
- Latest

























