Bea, magiging philanthropist na rin?!

Totoo kayang si Nanette Medved na raw ang magiging peg ni Bea Alonzo ngayong priority na nito ang kasal sa bilyonaryong si Vincent Co.
Kilalang isang philanthropist ang dating aktres na misis ng bilyonaryo ring si Chris Po.
At ang isa sa mga proyekto ni Nanette, ang HOPE’s Aling Tindera na isang waste-to-cash program na proyekto.
Kasama ito sa itinatag na Hope Business For Good ng former Darna actress.
Kaya siya raw ang totoong Darna. Walang drama, pulos pagtulong ang inaalala. Hindi katulad ng ibang celebrity na pagpapaganda ang pino-post sa social media.
Ganito diumano ang tututukan ni Bea, mga charity work nila ng mister.
Na bagay naman kung itutuloy at totoo ang kuwento ng ibang malapit sa kanila.
- Latest
























