1st border bio security ipatupad - AGAP
Sakit sa baboy,manok maiiwasan
MANILA, Philippines — “Ipatupad na ang 1st border bio security laban sa mga ipinapasok na karne sa bansa”.
Ito ang naging apela ni AGAP (Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc) Partylist Rep. Nicanor Briones sa pamahalaan sa isang press conference sa Pasay City.
Sinabi ni Briones na malaki ang maitutulong ng 1st border bio security dahil hindi na maipapakalat pa sa merkado ang mga baboy at maiiwasan din ang pagkakasakit ng mga ito na madaling mahawa ng mga sakit na ASF.
Hiling ng AGAP ang pagpapatupad ng ANCEF para sa live stock sector kabilang ang pagbili ng vaccination at feeds development.
Ang pagbili ng mga locally-produced na baboy ay katiyakan ng kaligtasan ng bawat consumer. Pinarangalan ng AGAP, Pork Producers Federation of the Philippines, Inc. (PROPORK) at ng Philippine Pork Council Alliance ang Marikina City Police Station sa pamumuno ni PCol. Jenny Tecson sa pagkakasabat ng nasa 20 toneladang bulok na karne nitong Mayo sa isang warehouse sa Brgy.Tanong, Marikina City na kung saan ay 12 katao ang naaresto.
Tiniyak pa ni Tecson na sa ilalim ng direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Christopher Abrahano at PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na lagi silang tugunan ang mga problema at complaints na inilalapit sa kanila lalo pa’t sa kapakanan ng publiko.
- Latest

















