Lovi, todo sakripisyo para sa anak

Malaki na ang ipinagbago sa pananaw sa buhay ni Lovi Poe mula nang maging isang ganap na ina.
Matatandaang nagpakasal sina Lovi at Monty Blencowe sa England tatlong taon na ang nakalilipas.
Oktubre naman noong isang taon nang ipaalam ng aktres sa publiko ang tungkol sa kanyang panganganak. “I think I don’t chase perfection anymore. I let things go. I am more flexible now. Kasi I am such a routine person. Everything is on the dot from the sip of my coffee, time of working out, time of leaving to set. That’s how I operate.
“And now ‘yung lahat ng routine ko na ‘yon, gone. Parang everything is like completely messy but I love it. I don’t plan things anymore. I just take things as it comes, as it goes,” pahayag ni Lovi sa YouTube channel ni Karen Davila.
Naranasan umano ng aktres ang lahat ng sakripisyo ng isang ina para sa kanilang supling ng mister. Tutok si Lovi sa babaeng anak lalo na noong bagong panganak pa lamang. “I woke up every three hours. Basically, I’m up kasi ‘di ba the schedule of having a newborn, you wake up, and feed, burp.
“And then change diaper and then back again. It’s that rotation and everything. Major hands-on, it was my choice talaga. I wanted to experience every single one of it cause I see a lot of things. You want to go through it no matter how tired you are it’s because they are gonna grow up so fast.
“I really savored the tough moments and the the best moments and working at the same time. It still is the most exhausting but the most rewarding thing ever,” paliwanag niya.
Kahit abala nang muli sa trabaho ay sinisikap ni Lovi na maalagaan pa rin ang anak. “When I’m on set I have people helping me. But when I get home, pag-uwi ko talaga, I make sure ako nagpapatulog ‘pag hindi pa tulog. Ako ‘yung nagpi-feed,” pagbabahagi ng aktres.
Buboy at ex, plantsado na!
Naayos na ang gusot sa pagitan nina Buboy Villar at Angillyn Gorens. Mayroong dalawang anak ang dating magkasintahan. Matagal na umanong ipinagdarasal ni Buboy na magkaayos sila ng ina ng kanyang dalawang supling. “Pinagdasal ko na lang po talaga lahat. Sinurrender ko na po kay Lord ang mga bagay-bagay. And kadadasal ko, kakukulit ko po, Tito Boy, merong isang araw, nasa taping po ako, nagkausap po kami. Kausap ko ‘yung anak ko, si Vlanz, and then biglang out of nowhere, kinuha niya lang ‘yung phone tapos gusto niya akong makausap,” nakangiting kwento sa amin ni Buboy sa Fast Talk with Boy Abunda.
Para sa Kapuso actor ay talagang mayroong tamang panahon para sa lahat ng bagay at pangyayari na hindi mo maaaring pilitin o madaliin.
Bukas nang muli ang komunikasyon sa pagitan nina Buboy at Angillyn para sa kapakanan ng kanilang mga anak. “Kumbaga mas naiintindihan na niya ‘yung eksena ko, ‘yung mga ganap ko sa buhay. Hindi na niya ako masyado nakukuwestiyon. Blessing for us kasi bumukas kaming dalawa. Mas iniintindi na lang namin ‘yung mga bata kaysa sa aming mga buhay-buhay,” makahulugang paglalahad ng Kapuso actor. (Reports from JCC)
- Latest





















