^

Probinsiya

4 konektado sa terror group, timbog sa drug den

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 konektado sa terror group, timbog sa drug den
Ang 4 na naaresto sa drug operation ng PDEA-BAR, pulisya at militar sa isang drug den sa Barangay Baka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Linggo.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang apat na operator ng drug den, kabilang ang isang babae, sa isang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng mga anti-narcotics agent at sundalo sa Barangay Baka, Datu Odin Sinsuat, Maguin­danao del Norte nitong Linggo.

Sa ulat nitong Martes ng mga local executives at mga mga opisyal ng intelligence units ng Army’s 6th Infantry Division, ang apat na mga suspek, ngayon ay nakakulong na, ay nagbebenta rin ng marijuana na mula sa ilang natitirang miyembro ng nalansag nang Dawlah Islamiya terror group.

Ayon kay Edgar Jubay, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region, sinuportahan ng iba’t ibang yunit ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at mga tauhan ng 1st Mechanized Battalion ng Philippine Army ang operasyon.

Agad na inaresto ng mga operatiba ang apat na suspek matapos ­silang bentahan ng shabu sa mismong loob ng kanilang drug den, kung saan nagsasagawa rin sila ng pot session para sa mga bumibili ng ilegal na paninda, ayon kay Jubay.
Nasamsam mula sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P146,200, isang .45 caliber na baril, mga drug-sniffing paraphernalia, at mga cellphone.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with