^

PM Sports

Heading, Perkins ‘di lalaro sa Asiad

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabawasan agad ang Gilas Pilipinas pool na hahataw sa 2026 Asian Games sa susunod na buwan sa Nagoya, Japan.

Wala na sa lineup sina Jordan Heading ng Talk ’N Text at Jason Perkins ng Phoenix Fuel Masters sa Japan Asian Games dahil sa magkaibang dahilan.

Kinumpirma ito ng pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamamagitan ni Gilas assistant coaches Richard del Rosario.

Nagpasya si Heading na lumiban sa pagkakataong ito dahil nakatakdang manganak ang kanyang asawa.

May iniinda namang injury si Perkins kaya’t kailangan nito ng pahinga bago muling sumalang sa PBA games.

Nakatakdang magsi­mula ang men’s basketball sa Asian Games sa Set­yembre 11 kung saan u­nang makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Bahrain.

Sa kabila ng pagkawala nina Heading at Perkins, nananatiling matikas ang Gilas dahil nariyan pa rin sina Robert Bolick,  Zav Lucero, Justin Arana, A­drian Nocum, Caelan Tiongson, Jerrick Ahanmisi, Don Trollano at Brandon Bates.

Nakatakdang depensahan ng Gilas ang korona nito sa Asian Games.

Matatandaang nasungkit ng Gilas ang kam­peonato noong 2023 edisyon sa Hangzhou, China matapos pataubin ang Jordan sa finals.

Kaya naman pukpukan na ang ensayo ng Gilas para paghandaan ang pagdepensa nito sa titulo.

Nakasentro muna ang atensiyon ni Gilas head coach Tim Cone sa paghahanda ng kanyang tropa para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalaruin sa Agosto 28 at 30 sa MOA Arena sa Pasay City.

Matapos nito, agad na tututukan ni Cone ang Gilas na masisilayan naman sa aksyon sa Asian Games.

Magkaiba ang Gilas teams na isasabak sa FIBA World Cup Asian Quali­fiers at Asian Games.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with