^

Probinsiya

Mister, nalunod sa kangkungan

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay sa lunod ang isang mister matapos na aksidenteng maswak ito sa malalim na bahagi ng creek habang nangunguha ng mga kangkong na pang ulam sana, kamakalawa ng hapon habang kasagsagan nang malakas na ulan, sa Brgy Salawag Dasmarinas City Cavite.

Inabot nang mahigit sa 1 oras bago natag­puan ang biktima sa ilalim ng creek na kinilala sa alyas “Ador,” nasa hustong gulang, residente ng lugar.

Batay sa imbestigasyon, alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente, magkasamang nangunguha ng kangkong ang biktima at kaibigan nito sa creek na nasa likuran ng isang subdivision.

Kasagsagan nang malakas na ulan kung kaya hindi pansin ng mga ito kung saang parte ng creek ang may kalaliman. 

Aksidenteng napatapak dito ang biktima at tuluy-tuloy na pumailalim ito.

Dahil sa puno ng mga kangkong at may kalabuan ang tubig ng nasabing creek, nahirapang i-rescue ang biktima na inabot pa nang mahigit sa isang oras bago ito nakuha.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with