Ang Comedy ni James Caraan
Mahigit isang dekada na nang sumabak sa stand up comedy si James Caraan. (pero ngayon ko lang na-realize na mahal na kita, bro!)
“14 years akong IT plus comedian. Kasi 2010, nag-start ako ng comedy. 2008, nag-start akong IT. 2010 to 2024, inaano ko ‘yun, nilalagari ko ‘yung dalawang ‘yun,” pagbabahagi ni James. (nang aano ka pala?!)
Sa tagal nya sa industriya, nahanap na nya ang tinatawag nyang “comedy voice”. (wala bang comedy boys?!)
“Yun ‘yung, ‘yun ‘yung ano mo, pagkakakilala mo na sa sarili mo. Kung baga, kung buong journey mo as a stand-up comedian, lagi ka nagso-soul searching,” pagpapaliwa-
nag ni James. (body search pwede, bro?!)
Para sa kanya, ang comedy ay isang pro-
seso. “Ang comedy talaga is a process of trial and error. Hindi siya sandata na sharp object. Mas tinitingnan ko sya as lens kumbaga.
So, ‘pag nilagyan mo ng lens ng comedy ‘yung isang bagay, tapos nakita ng mga tao, ay, oo nga no, nakakatawa pala tong ginagawa ni tong mga senador na to,” (so pwede ba sila maging komedyante?!)
Aminado sya na may pressure sa trabahong ito. “Ma-achieve mo ‘yung pinapangarap mo pero hindi na mawawala ‘yung pakiramdam ng pressure. Kasi magkakaroon ng pressure talaga ‘yan.” (ok lang ba ‘yung nilalagay kong pressure, bro? )
Isa sa sikat na grupong kinabibilangan nya ay ang The KoolPals na may sikat na comedy podcast. ( mga walang preno ang bibig!)
“Comedy can really start discussion. Co-
medy can really start even a war.
Tapos, marami sa amin ang naliligo ng death threats,” paglalahad ni James. (ligo na tayo, bro!)
Sa kanyang guest appearance sa Podtanda Natin podcast ni Zee Luistro, nag-iwan sya ng payo sa mga aspiring comedians. “Sa comedian, huwag kang matatakot maging magmukhang bobo.
Kasi, hindi naman ‘yun ang trabaho mong magmukhang matalino. Ang trabaho mo ay pumiga ng tawa sa audience mo.” (magpigaan tayo ng muscles, bro!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest
























