^

Police Metro

8 mangingisda dinakip sa hinihinalang fuel smuggling sa Batangas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong mangingisda dahil sa hinihinalang nagpupuslit ang mga ito produktong petrolyo sa karagatan ng Tingloy, Batangas, kamakalawa.

Hindi pinangalanan ang mga mangingisda na hinalang sila ay sangkot sa fuel smuggling o otorisadong paglilipat ng produktong petrolyo at sila ay nasa kustodiya na ng PCG.

Sa ulat ng PCG-Batangas Station, bago ang pag-aresto ay nakatanggap sila ng ulat hinggil sa isang fishing vessel na sinasabing nagkaroon ng engine trouble at namataang palutang-lutang may 30 metro mula sa pampangin ng Barangay Makawayan kaya’t kaagad na rumesponde.

Kinuwestiyon ng mga tauhan ng PCG ang kapitan at mga tripulante matapos na madiskubreng ang kanilang fishing vessel na may habang 26 metro at may gross tonnage na 15 ay hindi dokumentado.

Natuklasan din ng PCG, base sa pahayag ng isang tripulante, na ang fishing vessel ay may kargang 5,000 litro ng diesel fuel nang walang kinakailangang permit mula sa pamahalaan.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with