^

PSN Showbiz

Rocco, naghubad para sa ‘art’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rocco, naghubad para sa ‘art’
Rocco Nacino

Mapapanood hanggang Aug. 22 ang mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya Film Festival 2026 sa piling mga sinehan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumanap si Rocco Nacino bilang isang pari sa Tirik.

Aminado ang aktor na nahirapan sa kanyang karakter sa naturang Cinemalaya entry. Ngayon lamang din naranasan ni Rocco na maghubad sa isang pelikula. “Mahirap, Tito Boy, the challenge was to be the caring kuya o pari na nakikita nila (sa community). Paring Bert ang pangalan niya. First time grabe, nagawa ko ‘yon (maghubad). ‘Yon ang naging proseso niya, pinaliyab niya ‘yung malaking apoy. Sasakyan, lumiliyab ‘yon, kumbaga hinubad niya lahat. Kumbaga na-cleanse niya ‘yung sarili niya,” nakangiting bungad sa amin ni Rocco sa Fast Talk with Boy Abunda.

Noong una raw ay napatanong muna si Rocco kung bakit kinakailangang maghubad para sa proyekto. “Siyempre nando’n ‘yung tanong, Tito Boy. Kasi siyempre ‘yung mana­gers ko sa Sparkle inaalagaan din ako. Napatanong din sila, and sabi nila, ‘Okay, nabasa na namin. It’s up to you.’ Pinag-usapan namin ni Direk May-i (Padilla), ‘Ito ba ‘yung nakikita mo? Kung same page, ito na ‘yung sinasabing art.’ Cinemalaya is for the art nga. No’ng na-realize ko na gano’n kaimportante ‘yon para sa eksena na hindi bastos tingnan, okay, sige, laban. Pumayag si Melissa (Gohing, asawa ni Rocco). No’ng una, ‘Huh? Bakit ka pumayag?’ Naniwala naman siya, naintindihan naman niya kung bakit kailangan ‘yon para sa eksena,” natatawang kwento ng Sparkle actor.

Matatandaang rumampa na noon ang aktor na litaw ang puwet sa isang sikat na underwear show. Aminado naman si Rocco na mayroon siyang insecurity dahil sa pagkakaroon ng malaking puwet.  “Sabi niya at maipagmamalakai mo na ‘yung bewang mo. Kung hindi n’yo alam, ako’y very insecure sa aking balakang. Para sa akin medyo pangit tingnan na malaki ‘yung puwet ko. As in nag-inquire na ako kung paano magpabawas ng puwet. Sabi nga ng asawa ko, ‘Yung iba nga nagpapadagdag. Bakit mo ipapabawas ‘yan.’ Ayun lang, medyo alalay lang sa pagsusukat ng mga pants kasi hindi lahat okay sa akin,” paglalahad niya.

Samantala, marami umano ang tumatawag ngayon kay Rocco na ‘Mayor’ dahil sa kanyang mga karakter bilang pulitiko sa mga serye. Sa tunay na buhay na muntikan na ring mapasabak ang aktor sa mundo ng pulitika. “Muntik na, Tito Boy, may nagyaya na rin. Nagbigay din po ako ng intensyon, may kinausap din po bilang options din ba. Pero pinili ko pa rin ang showbiz. I wanted to start at the bottom at makapaglatag ng mga program siguro for sports, anything medical dahil nga linya ko po ‘yon, anything to help. Nakita ko po ‘yung potential ng Antipolo, marami pa pong pwedeng ibigay eh. Bilang do’n po ako nakatira, baka makatulong po ako,” pagtatapat ng aktor.

Hindi natuloy ang pagpasok ng Sparkle actor sa pulitika dahil na rin sa kanyang mga ginagawang proyekto sa show business. Posible rin umanong makagawa si Rocco ng international projects. “Nabibigyan po ako ng auditions for project abroad. Kung mangyari po ‘yon, ibang klaseng window na po ang mabubuksan kapag natuloy po ‘yon,” pagtatapos ni Rocco. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with