Dennis, susubok ulit sa MMFF

Alam mo, Salve A., nakakatuwang tingnan ang dating mag-partner, na sina Dennis Trillo at ex niyang former beauty queen-turned actress Carlene Aguilar at ang misis niyang si Jennylyn Mercado.
May 17-year-old son sina Dennis at Carlene na si Calix Andreas Ho, college freshman sa University of the Philippines. Nang magkahiwalay sina Dennis at Carlene, nanatili ang pagiging co-parents nila sa anak nila.
Calix is into sports sa pamamagitan ng fencing na ipinakilala sa kanya ng kanyang inang si Carlene mahigit tatlong taon na rin ang nakakaraan.
Since bata pa si Calix, malayo ang mararating nito sa larangan ng fencing, ang sport na kinahiligan ng mag-amang Richard at Juliana Gomez.
Samantala, co-producer ang Brightburn Entertainment ng mag-asawang Dennis at Jennylyn ang Metro Manila Film Festival entry na na pinamagatang Amir na muling pinamamahalaan ng award-winning director na si Zig Dulay mula sa panulat ng National Artist and award-winning writer and screenplay writer na si Ricky Lee kasama si Anj Atienza. Ito’y produced ng GMA Pictures and GMA Public Affairs, the same team ng Green Bones.
Thankful si Dennis sa patuloy na tiwala na ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio, ang GMA sa pamamagitan ng magagandang proyekto.
- Latest





















