DOH secretary Pujalte, pinalitan agad
MANILA, Philippines — Hindi pa man nag-iinit sa puwesto bilang kalihim ng Department of Health (DOH) si Secretary Jose Pujalte ay pinalitan na agad sa puwesto.
Inanunsiyo kahapon ng Malacañang ang appointment ni Dr. Edwin Mercado bilang bagong DOH secretary kapalit ni Pujalte na walang pang isang buwang nakaupo sa puwesto.
Si Mercado ang kasalukuyang presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at sasaluhin naman ni Beverly Ho ang kanyang babakantehing puwesto.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nagbitiw si Pujalte dahil umano sa isyung pangkalusugan.
Naunang sinampahan ng reklamo si Pujalte sa Ombudsman dahil umano sa pagpapatigil sa pagbili ng gamot para sa tuberculosis, at ang sumbong na naispatan umano ito sa loob ng isang casino hotel sa Parañaque City.
Sa loob ng isang buwan dalawang kalihim ang nawala sa DOH. Una si Dr. Ted Herbosa at pangalawa si Pujalte.
- Latest




















