^

Dr. Love

Bantay-darado ang girlfriend

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin nyo na lang akong Tom. Sumulat ako dahil talagang nasasakal na kami ng girlfriend ko sa sitwasyon namin.

Mahal na mahal ko siya, pero ang problema—bantay-sarado siya 24/7 ng tita niya. Nakatira siya rito at tumutulong sa kanya, kaya ayaw naman niyang makipag-away. Pero para kaming gumagawa ng mission impossible tuwing gustong magkita.

Kailangang burahin agad ang mga chat. Tuwing lalabas, may kasamang bantay o may limit na 30 minutong oras lang. Laging bawal mag-date sa labas kasi hindi pumapayag ang tita niya.

Naaawa ako sa girlfriend ko, at nasasaktan din ako dahil hindi man lang namin ma-enjoy ang sim-pleng pamamasyal nang walang kaba. Paano po ba ang tamang diskarte rito? Harapin ko na ba si tita o magtiis muna kami?

Tom

Dear Tom,

Naiiintindihan ko ang kalagayan ninyo. Ang susi dyan ay hindi ang pagtakas o pakikipag-away, kundi ang pagkuha sa tiwala ni tita. Ilan sa dapat mong gawin ay bumisita sa bahay ng tita ng girlfriend mo. Naghihigpit ang tita niya dahil “misteryosong banta” ka pa sa mata niya. Bisitahin mo ang girlfriend mo sa bahay nila, magdala ng sim-pleng meryenda, at magpakilala ng magalang. Ipakita mong malinis ang intensyon mo.

Ipagpaalam nang malinaw ang plano. Huwag lang sabihing “Lalabas kami.” Magbigay ka ng eksaktong oras at lugar. Halimbawa, “Tita, kakain lang po kami sa mall mula 2:00 hanggang 5:00 PM at ihahatid ko po siya pabalik ng ligtas.”

Simulan sa baby steps at tuparin ang usapan. Magsimula muna sa maikling date. Ang pinakamahalaga ay ihatid siya nang mas maaga o sakto sa pinagkasunduang oras. Kapag nakita ni tita na responsable ka at may isang salita, unti-unting luluwag ‘yan.

Huwag mong ituring na kaaway si tita—ipa-kita mong kampi ka niya sa pagprotekta sa girlfriend mo.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with