DOH nagbabala laban sa leptospirosis
MANILA, Philippines — Dahil sa mga pagbaha dulot ng habagat at bagyo sa iba’t ibang panig ng bansa ay muling nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na magingat sa leptospirosis.
Aniya, tumataas ang panganib ng leptospirosis kapag nalalantad sa maruming tubig-baha na maaaring kontaminado ng ihi ng daga at iba pang uri ng maruruming hayop na nagtataglay ng virus.
Ang leptospirosis ay isang uri ng sakit na nakukuha sa ihi ng daga lalo na kapag humalo ito sa tubig baha na maaring magdulot ng malulubhang komplikasyon at maging sanhi ng pagkamatay ng tao.
Bilang pag-iingat, pinapayuhan ng DOH ang publiko na hangga’t maari ay iwasang lumusong sa baha at kung hindi naman ito maiiwasan ay agad na maghugas o maligo gamit ang malinis na tubig at sabon matapos malantad sa baha.
Mahalaga rin ang agarang pagkonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang payo at gamot kung kinakailangan.
Kabilang naman sa sintomas ng leptospirosis ay mataas na lagnat, pamamanhid at pananakit ng kalamnan, pamumula ng mata at iba pa.
Hinihikayat ng DOH ang lahat na manatiling alerto at sundin ang mga paalala upang makaiwas sa leptospirosis at iba pang sakit na nakukuha sa maruming tubig baha.
- Latest

















