^

Pang Movies

Kris, very Kris ang pagbabalik!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris, very Kris ang pagbabalik!
Kris

Bongga ang comeback ng Queen of All Media, Kris Aquino.

Kahapon ay inilabas ng Netflix ang kanyang pagbabalik matapos siyang ipakilala bilang Chief Head of Insight and Kontent Analysis o C.H.I.K.A.

At inilabas ito ng nasabing streaming platform sa pamamagitan ng isang video clip.

Ipinapakita sa more than two-minute video ang veteran TV host-actress na nagbibigay ng kanyang suggestion kasama ang isang editor na nagngangalang Earljohn, na siyang may hawak mga eksena habang kino-command ni Kris kung anong gusto niyang ayusin sa isang eksena ng tatlong teleserye na napapanood din naman sa nasabing platform.

“Ano itong pasabog ni madam?! Si Kris Aquino ang C.H.I.K.A.(Chief Head of Insight and Kontent Analysis) ng Netflix na may ilang bonggang upgrade sa mga lokal na palabas, istilo ni Krissy,” ang nakalagay sa caption.

Sa isang naunang post na ibinahagi ng platform, binanggit ni Kris na “Sinong gustong maging officemate ko? Netflix is looking for a new Chief Head of Insights and Kontent Analysis!”

At ang unang ‘inokray’ in a way ng C.H.I.K.A ni Kris ay tungkol sa mga programang A Secret In Prague, Blood Vs Duty and The Master Cutter.

Parang may ini-edit lang siyang eksena ng tatlong shows na very Kris nga.

Bagay naman sa kanya, na parang promo na rin ng mga palabas sa nasabing platform na parang slight na panlilibak sa ibang eksena.

Ok na si Kris, masigla na siya at medyo bloated lang ng konti.

Walang idea kung anong buong konsepto ng kanyang gagawin pero sa title pa lang, alam na dat.

Ang huling post ni Kris ay nabanggit niyang sumusubok siya ng ibang paraan ng paggamot na ayaw raw niyang sabihin ang detalye dahil hindi raw naging matagumpay ang unang mga ginawa nila kung saan may mga gabing umiyak daw siya hanggang pagsikat ng araw dahil sa matinding sakit sa buto niya.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with