Kira, biktima ng gaslighting

Sa kabila ng matatag at confident na imahe ni Kira Balinger, dala pa rin niya ang epekto ng paglaki sa isang broken family.
Sa isang open talk sa Oh My Gan!, ibinahagi ng aktres na naghiwalay ang mga magulang niya noong siya ay 11 o 12 years old.
Bilang nag-iisang anak nila, inamin ni Kira na mahirap lumaki na isang magulang lang ang kasama.
“My parents, they’re still married, but they split a long time ago when I was very, very young. Growing up with just one parent, it was very, very tough,” diin niya.
Okay naman daw ang relasyon niya sa dalawa, pero aminado siyang may lungkot pa rin tuwing nakakakita siya ng buong pamilya. “I love my mom, but I also want my dad to be there too. Like, where was he during my first heartbreak? Seeing other people with complete families, actually up until now, it still pricks the heart talaga. There’s this longing.”
Tinawag niyang “number one protector” at pinakamalaking supporter ang kanyang ina. Noong nagsisimula pa lang siya, laging kasama siya ng mommy niya sa trabaho para siguraduhing safe siya, may pagkain, at handa kahit mahahaba ang taping.
Huminto na lamang ang ina sa pagsama sa kanya nang umabot na siya sa edad 20 at naging karaniwan na ang lock-in tapings noong pandemya.
Bagama’t natuto siyang maging malaya, inamin ni Kira na minsan ay nami-miss pa rin niya ang presensya ng ina, lalo na kapag may problema sa trabaho. “You just have to bite your tongue and carry on. It’s really part of the industry. ‘Pag sobra na, fight for yourself din,” pahayag niya.
Binuksan din niya ang tungkol sa mga hindi kanais-nais na komento sa kanyang pisikal na anyo. Naalala niyang pinayuhan siyang magpapayat dahil mukha siyang “mataba” sa camera, ngunit nang mag-ehersisyo siya, kinutya naman dahil sa pagiging “masyadong muscular.” “I started going to the gym, and then I started posting gym pictures because I’m starting to feel good about myself. I feel healthy. In my opinion, I think I look great. But then I started to get comments na, ‘Kira, tama na, ang macho mo na.’ So, saan ako lulugar?
“They think that it doesn’t hurt you. They also say that it’s coming from a place of love and understanding. Pero when it gets to us, it’s not helping. It’s actually more damaging.”
Ibinahagi rin ng aktres na kamakailan ay pinili niyang lumayo sa isang taong malalim niyang minahal matapos niyang maunawaan na hindi na niya natatanggap ang nararapat sa kanya.
Kinilala ni Kira na ang pag-alis ay maaaring magdulot ng pagdududa sa sarili, lalo na kung hindi naman ganap na naging masama ang relasyon. “Kahit na sobrang mahal mo ‘yung tao, it comes to a point talaga na you have to choose yourself. Otherwise, maubos ka. You’re gonna gaslight yourself sometimes. But you made that decision for a reason. Life goes on.”
Minsan ay nangangahulugan ng pag-unlad ang pagtanggap na hindi lahat ng tao ay mananatili sa buhay ng isang tao sa bawat yugto nito.
Sa kabila ng mga hamon sa personal at propesyonal na buhay, sinabi ni Balinger na patuloy siyang kumakapit sa kanyang ina, mga pinagkakatiwalaang kaibigan, at sa kanyang pananampalataya habang sumusulong.
“No matter how much you want to pull them with you, minsan it will pull you down. So, you have to walk alone sometimes. Only God knows sometimes. Later pa lang natin maiintindihan kung bakit,” pagtiyak ni Kira.
- Latest


























