^

Metro

Foreign travel requests ng mga LGUs, bubusisiin ng DILG

Angie dela Cruz, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dadaan na sa pagbusisi at pag-apruba ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng request ng mga local government Units (LGUs) para sa kanilang foreign trips.

Ito’y makaraang pahintulutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na magtalaga ng iba pang opisyal ng departamento na mag- apruba ng foreign travel request ng mga lokal na opisyal.

Nabatid na isasagawa ito sa ilalim ng Administration Order No. 47 na nagaam­yenda sa kahalintulad na kautusan noong 1992, na nagbibigay ng ilang supervisory powers ng Pa­ngulo ng bansa sa DILG chief kasama na ang pag-apruba sa f­oreign travels ng mga local government officials sa bansa. Layon umano ng hakbang na mabawasan ang dami ng mga request na natatanggap ng Malakanyang.

Sa ilalim ng Local Government Code o ng Republic Act No. 7160, ang lahat ng local government officials na mangingibang bansa ay kailangang kumuha ng permiso at approval mula sa Office of the President na hindi hihigit sa tatlong buwan, wala sa panahon ng emergency o krisis o kung ang paglalakbay ay gagamit ng pondo ng pamahalaan.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with