DILG: Ex-Cong. Paras, posibleng kasuhan ng human trafficking
MANILA, Philippines — Posible umanong makasuhan ng human Trafficking si dating congressman Jing Paras kaugnay ng umano’y planong paninira sa reputasyon ng ilang miyembro ng gabinete ng pamahalaan.
Ito ang reaksiyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nang mapaulat sa Politiko news website na hindi lamang si Executive Secretary Ralph Recto ang target ng sinasabing “honeytrap” scheme na iniuugnay kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Kabilang din umano sa mga target sina Remulla, Ombudsman Jesus Crispin Remulla, Cabinet Secretary Benhur Abalos, Public Works Secretary Vince Dizon, at Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda.
Hinala ni Remulla na si Paras ang pasimuno at siya rin ang konektado sa sinasabing bugaw na naglahad ng umano’y plano hinggil dito at tanging ang huli ang nagbanggit sa pangalan ni Leviste.
- Latest




















