^

Metro

Vendor kinatay ng babaeng ka-live-in

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang babae ang kanyang live-in partner kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si  Bryan Paulo Refil, 29  habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si  Julia Amaga, 23, kapwa residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit Quezon City Police District (CIDU- QCPD) nangyari ang insidente bandang alas-3 ng madaling araw sa nabanggit na address.

Ayon sa saksi nakarinig siya ng pagtatalo ng biktima at suspek hanggang sa makita niya tumatakbo ang biktima na may mga saksak sa katawan.  Bumagsak ang biktima at sunud-sunod pa rin ang pag-unday ng saksak ng suspek.

Nang makita hindi na kumikilos ang biktima, pinagsisipa naman ito ng suspek.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng QCPD Police Station 4 at inaresto ang suspek. Nabatid na apat na taon nang magka-live-in ang biktima at suspek. Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

CIDU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with