Diego, walang paki sa anak na hubadera

Hindi isyu sa celebrity dad ng bagong VMX star na si Angel Castro na si Diego Castro, kaisa-isang anak ng namayapang broadcast icons na sina Angelo Castro at June Keithley, ang ginawang pagpapaseksi sa kanyang mga pelikula sa VMX.
Si Angel ay panganay at kaisa-isang anak ng dating actor-turned newscaster sa dating aktres ng Viva na si Raven Villanueva, na sa Amerika na naka-base with her new family.
Since nasa edad naman na si Angel, kaya na nitong magdesisyon para sa direksyon ng kanyang career.
Sa kasalukuyan ay ginagawa na niya ang kanyang fifth movie, ang Creampie na pinamahalaan ni Rodante Pajemna, Jr. and currently streaming on VMX.
Joey, sold-out ulit sa repeat
Congratulations to Joey Albert at Pops Fernandez dahil punum-puno ang second sold-out concert ng Canada-based OPM hitmaker na si Joey last July 30, ang repeat ng kanyang Fortyfied concert for her 45th anniversary in the music and entertainment industry which was produced by DSL Productions ni Pops.
Ito’y susundan ng solo major concert ni Pops na gaganapin din sa Newport Performing Arts Theater on Nov. 26, 2026 for her pre-birthday concert na pinamagatang Pops with an array of special guests.
Pinaplano na rin ni Pops ang kanilang back-to-back concert ng kanyang ex-husband, ang Concert King na si Martin Nievera na maaaring ganapin sa isang major venue sometime next year.
Claudine, nangabog
Agaw-eksena sina Pokwang, Roderick Paulate at Carmi Martin sa star-studded Maddox Jewelry Iconic Runway Fashion Show 2026.
Ang tatlo ay kasamang rumampa ng celebrity guests which include Claudine Barretto (na tumanggap ng thunderous applause from the crowd) nang siya’y lumabas suot ang mamahalin at eleganteng queen emerald necklace.
Tila nag-reunion din mula sa kanilang dating Dick & Carmi song na Together Forever.
Pinalakpakan din si Negi who came as a surprise to everyone.
Maliban sa kanilang joint guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, first fashion event din ito ng mag-partner na Aljur Abrenica at AJ Raval kung saan rumampa rin ang ama ni AJ na si Jeric Raval.
Although coordinated din ang mga kasuotan ng professional fashion models at celebrities, ang sentro ng gabing ‘yon ay ang napakagaganda, quality at elegant natural diamonds na suot ng bawat isa sa mga rumampa.
Very inspiring ang buhay ng successful jeweler na si Charo Cordial na nagsimula sa live selling ng unbranded bags during the pandemic hanggang gawin niya ito sa mga alahas kung saan naging bongga ang takbo ng kanyang jewelry business, ang Maddox Jewelry.
- Latest























