^

Police Metro

Among doktora biniktima ng ‘love scam’ ng assistant

Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng medical assistant nang madiskubreng nagpanggap na lalaki sa online profile, pina-ibig at kinikilan ng pera ng mahigit isang taon ang among doktora, sa ulat ng National Bureau of Investigation nitong Biyernes.

Nadakip ang suspek na target nang puntahan ang bahay nito ng mga ahente ng NBI at doon nag-ring ang ginagamit na numero ng kanyang dummy account ng tawagan.

Una nang idinulog ng biktima ang reklamo sa NBI matapos madiskubre ang panloloko ng kanyang babaeng assistant.

Alam umano ng suspek na broken-hearted ang amo kaya ito gumawa ng fake account gamit ang larawan ng isang lalaki para mapa-ibig ang amo, na sinamantala upang huthutan ng pera na nagpatuloy ng mahigit isang taon.

Ayon kay NBI Human Trafficking Division chief, Sally Laguardia, nabisto lamang ng biktima na siya ay na “love scam” nang ipakita sa isa niyang kaibigang lalaki ang larawan ng inaakalang nobyo. Nagkataon na kakilala pala ito ng kaibigan kaya tinawagan at nakumpirmang walang alam ang lalaki sa larawan sa modus ng suspek.

Nahaharap ang suspek sa rekla­mong estafa at identity theft matapos magsampa rin ng reklamo ang lalaki ginamit sa profile ng dummy account.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with