Grade 9 student kinatay ng kaklase

Balisong na ginamit inorder online
MANILA, Philippines — Isang Grade 9 ng Las Piñas National High School ang patay matapos na pagsasaksakin ng kanyang kaklase kahapon ng hapon sa loob ng campus ng nasabing paaralan.
Sa sketchy report, 13-anyos ang nasawing biktima habang isinugod sa pagamutan ang isa pang biktimang estudyante. Arestado naman ang 14-anyos nasuspek na kaklase ng biktima.
Nangyari ang insidente bandang alas-4:53 ng hapon.
Lumilitaw sa impormasyon na isang balisong na inorder umano sa online ang ginamit ng suspek at hindi na-detect ng security guard ng paaralan.
Dahil sa insidente, maagang pinauwi ang mga mag-aaral habang nag-iimbestiga ang mga awtoridad.
Wala pang opisyal na ulat ang pulisya dahil patuloy pa ang pag-iimbestiga upang matukoy ang motibo.
Matatandaang noong Hulyo 2, 2026 ng gabi nang maganap din ang pananaksak sa isang Grade 8 student ng nabanggit ding paaralan na naganap sa oras ng uwian sa labas nanam ng nabanggit na paaralan.
Kritikal ang kalagayan ng isang Grade 8 student na nagtamo ng saksak sa likod, leeg at collarbone matapos pagtulungan ng limang kabataang suspek.
Apat sa suspek na pawang Children in Conflict with the Law (CICL) ang naaresto habang nakatakas naman ang isa pang suspek na 16-anyos lang.
- Latest






















